History of San Mateo in Tagalog language
![]() |
![]() |
Ang
Kasaysayan ng Bayang San Mateo |
||
| Kailan Isinilang ang Bayan
ng San Mateo? Ayon sa
"Biblioteca Historica Filipina" ni Fray Juan De Medina, ang pook na ito ng San
Mateo ay natuklasan nuong pagkatapos ng taong 1571. Nguni't ayon naman kay
Padre Cavada, paring Agustino, ang bayang ito ay natatag nuong 1596. Sa biglang masid, tila may hidwaan ang dalawang naturang petsa. Datapuwa't ang makasaysang talaang ng mga naging gobernador na Kastila sa Pilipinas, at ng kasaysayang isinulat ni Padre Cavada ang magpapaliwanag sa di umano'y nagkakahidwaang petsa. Ayon sa talaan ng mga naging gobernador na Kastila sa Filipinas, si Miguel Lopez de Legaspi ay siyang unang nanungkulan nuong mga taong 1571 hanggang 1572. Subali't sinasabi, dalawang taon bago dumating sa Maynila si Legaspi buhat sa Cebu, ay pinauna ang kanyang pamangking ang papasinaya ng lungsod ng Maynila. Samakatuwid, siya ang nakatuklas sa pook ng San Mateo bago pisinayaan ni Legaspi ang lungsod ng Maynila nuong ika-25 ng Junio 1571. Sa kabilang dako naman, ayon sa kasaysayang isinulat ni Padre Cavada, ang unang simbahang munti ng Poong San Mateo sa bayang ito, ay itinayo sa tabi ng ilog sa dakong Habagatan nuong taong 1596, sa kaarawan (fiesta) ni San Mateo Evangelista. Samakatuwid, kilala na ang bayang ito sa ngalang "SAN MATEO" ng matayo ang munting simbahan sa karangalan ni San Mateo. Lumilitaw, samakatuwid, na noong 1571 natuklasan na ang pook, datapuwa't nang magkaroon ng simbahan ay nuon lang 1596. Papano Nabinyagan ang Bayan sa Pangalang "San Mateo"? Ayon sa isang salaysay, nang galain ng mga Kastila ang mga lupain sa paligidligid ng Maynila, karating sila sa kapatagan ng pook na ngayo'y San Mateo. Naakit sila sa likas na kaayusan at kabigha-bighaning kariktan ng pook na ito, na anupa't ipinsiyang dito magtatag ng isang comunidad o bayan. Isa sa mga Kastila na marahil ay kapatas, ay may hawak na libro sa isang kamay at pluma naman sa kabilang kamay. Ang ayos niyang ito na nakatuntong kaipala sa isang paltok, na animo'y isang estatua ang nakatawag ng pansin sa mga kasamahan. Hindi nakatiis ang isang kasama na tumawaga at nagsalita: "Kaibigan, sa ayos mong iyan ay kamukha mo si San Mateo." Si San Mateo, palibhasa'y Evangelista o manunulat ng Ebanghelyo, kung ilarawan ay may hawak na libro at pluma sa mga kamay. Kaya't noon din, sa gitna ng katuwaan, napagkaisahang tawagin ang pook na kanilang natuklasan na SAN MATEO. Sino ang Patron o Pintakasi ng Bayan ng San Mateo? Totoong marami ang nagtataka kung malaman na ang Poong Pintakasi pala ng San Mateo ay ang Birhen ng Aranzazu, at hindi si San Mateo. May katwiran nga silang magtaka! Una: sapagka't hindi maipagkakaila na ang unang simbahan ng bayan ng San Mateo ay natayo sa karangalan ni San Mateo. Sa makatuwid, ipinalalagay na si San Mateo ang Patron o Pintakasi. Ikalawa: ang pangalan ni San Mateo ay naging katutubo ng bayang San Mateo, kung kaya higit na kilala si San Mateo kaysa Mahal na Birhen ng Aranzazu. |
Ang pagbabago ng pintakasi ay
naganap noong 1660, nang humalili ang mga paring Jesuita sa pangangasiwa ng simbahan.
Dahilan sa isang malaking baha, ang maliit datapuwa't unang simbahan sa tabi ng
ilog sa nayon ng Sta. Ana ay naanod at nasira. Muling nagtayo ang mga Jesuita ng
bagong simbahan sa pook na kinalalagyan ngayon. Sa hangad marahil na bigyan ng
kabuluhan ang bansag sa kanila na Padres Marianos --alalaong baga, mga paring devoto ni
Maria at tagapamansag ng pamimintuho sa kanya, ang Poong San Mateo ay inilipat sa
Dulongbayan at ang pinalit ay ang Birhen ng Aranzazu. At mula noon hanggang ngayon
ay siyang kinikilalang Patrona ng bayan ng San Mateo. Sinasabing ang unang imahen ng Birhen ng Arzanzazu ay dala ng isang kapitan ng isang barko ng mga Kastila na nayayao't dito sa Filipinas at Mejico. At palibhasa ang naturang kapitan ay isang mamamayang Vasco, kung kaya ang imaheng hatid niya ay larawan ng Birhen na pipipintuho sa kanyang bayan ng Oņate, sa Espaņa, ang "Birhen ng Aranzazu." Dahilan sa imahen o larawang ito ng Birhen ng Aranzazu, ang mga mamamayang Vasco na naninirahan sa San Mateo bilang peregrinacion at nakikipagdiwang sa kapistahan ng Birhen ng Aranzazu. Noong ika-6 ng Disyembre 1742, sa bisa ng "autorizacion" ng Papa Benedicto XIV, ay natatag ang isang "Cofradia" o Kapatiran ng Birhen ng Aranzazu sa Maynila. Aranzazu! Aranzazu -- ito'y buhat sa dalawang katagang Vasco - "Arantzan" at "Su." Ang katagang "arantzun" -- ay wikang Vasco na ang kahuluga'y "Isang liblib na pook sa kabundukan at sagana sa matitinik na halamanan." Naging bantog ang ganitong uri ng pook sa kabundukan ng Oņate, Expaņa, sapagka't doon nagpakita ang Mahal na Birhen sa isang pastol na si Rodrigo de Balzategui. Ayon sa kasaysayan, nang magpakita ang Mahal na Birhen sa ibabaw ng isang punong kahoy na tinikan, na sa isang sanga nito'y may nakasabit na kampanilya na ang hugis ay "quadrilateral" o may apat na panig na kusang tumutunog sa sarili, magkakambal na damdamin ng panggigilas at pagtataka ang nag-unahang pumulas sa dibdib ng pastol na aniya: "Arantzan su" - "Tu, en el espino? -- "Ikaw, Seņora, na nararapaat lumukluk sa trono ng mga Serafines, diyata't sa tinikan Ka nakatampok?" Gaya ng Lourdes ng Francia, ang Aranzazu o Katinikang pook ng Oņate, at dati'y iniilagan ng mga tao, ngayon ay umaakit at pinagdadayo ng di mabilang na mga tao buhay sa iba't ibang panig ng bansa. ----------------------------- Pinagkunan ng salaysay: 1. Aklatan ng Mababang Paaralan ng San Mateo 2. Aklatan ni Don Servando de los Angeles. 3. At iba pang aklatan
|
|